Mga Senador, duda sa pinalulutang na Ouster Plot laban kay Pangulong Duterte
Minaliit ng mga Senador ang mga umano’y pagkilos para mapatalsik sa
pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Inirekomenda pa ni senador Francis Pangilinan na sibakin sa pwesto ang
mga nagbibigay ng mali at aniyay mga gawa-gawang intelligence report
sa Pangulo.
Iginiit ni Pangilinan na bilyun-bilyong piso ang inilalaan sa
intelligence ng santahang lakas at pambansang pulisya kaya dapat hindi
mga false information ang natatanggap ng Pangulo.
Senador Pangilinan:
“Whoever is giving Duterte “false and manufactured intelligence
reports must be fired. They should be giving him accurate information that he needs to know rather than dubious information that they think he would like to hear. Billions are spent on intelligence funds for fabricated information”.
Tinawag naman ni Senate minority leader Franklin Drilon na fantasy ang
tinaguriang Red October Destabilization para wasakin ang demokrasya at
pangatwiranan ang aniya’y deklarasyon ng Revolutionary government.
Hindi rin kumbinsido si SenadorPanfolo Lacson ang mga ulat na dawit
umano ang ilang sundalo sa planong pagpapatalsik sa Pangulo.
Sinabi ni Lacson na politically mature na ang mga miyembro ng Armed
Forces of the Philippines at malabong suportahan ang anumang hakbang
laban sa panibagong kudeta.
Ulat ni Meanne Corvera