Oposisyon binuweltahan ng Malakanyang sa pagsasabing hindi hinaharap ng Administrasyon ang problema sa mataas na presyo ng pagkain

Kinontra ng Malakanyang ang ipinalulutang ng grupo ng oposisyon na nakasentro ang administrasyon sa panggigipit kay Senador Antonio Trillanes para pagtakpan ang kabiguan ni Pangulong Rodrigo Duterte na solusyon ang problema sa mataas na bilihin.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque apat na Presidential issuance ang nilagdaan ng Pangulo para mapabilis ang pagpasok sa bansa ng mga inaangkat na imported agricultural foods products kasama dito ang pag-aalis ng mga taripa.

Ayon kay Roque, hindi ipinagwawalang-bahala ng administrasyon ang problema sa pagtaas ng mga bilihin.

Inihayag ni Roque sa pamamagitan ng mga Presidential issuances ng Pangulo dadami ang supply ng pagkain na magbibigay daan para bumababa ang presyo alinsunod sa prinsipyo ng law of supply and demand.

Iginiit ni Roque na wala ng ginawa ang oposisyon kundi siraan ang administrasyon sa taongbayan.


Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *