Presyo ng semento at mga constructions marerials, inaasahang tataas dahil sa pagpapasara sa mga minahan
Hindi pabor si Senador Francis Escudero sa desisyon ng Department of
Environment and Natural Resources (DENR) na malawakang pagpapatigil sa
quarrying sa bansa kasunod ng pagguho ng minahan sa Benguet at Cebu.Babala ni Escudero, maaaring makaapekto ito sa problema sa inflation
dahil magmamahal ang pesyo ng semento at iba pang construction
materials.

Bukod dito, tatamaan rin ang budget sa mga Infrastructure project ng
gobyerno gaya ng kalsada at tulay dahil sa pagmahal ng mga materyales.
Dahil aniya sa ginawa ni DENR secretary Roy Cimatu, libu-libong
trabahador rin ang maaaring mawalan ng trabaho.
Inirekomenda ng Senador na sa halip na ipasara ang lahat ng minahan,
dapat magsagawa muna ng inspeksyon ang DENR at ipasara ang mga mapapatunayang lumabag at hindi sumunod sa mga umiiral na patakaran.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: