Malakanyang umaasang maglalabas ng arrest warrant laban kay Senador Antonio Trillanes sa kasong kudeta ang Makati RTC Branch 148

Kumpiyansa ang Malakanyang na maglalabas din ng arrest warrant ang Makati Regional Trial Court Branch 148 na pinamumunuan ni Judge Andres Soriano laban kay Senador Antonio Trillanes kaugnay ng pagbuhay sa kasong kudeta.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na pareho ang Facts of the Case ni Trillanes sa kasong rebelyon sa sala ni Judge Elmo Alameda ng Makati RTC Branch 150 na nauna ng naglabas ng arrest warrant.

Ayon kay Roque ang kasong kudeta na kinakaharap ni Trillanes sa Makati RTC branch 148 ay isang non-bailable case.

Inihayag ni Roque walang magagawa si Trillanes kung sakaling hindi maging pabor sa kanya ang desisyon ng hukuman kundi harapin ang kaso.

Umaasa ang Malakanyang na anumang sandali ay maglalabas ng desisyon ang Makati RTC branch 148 sa petisyon ng Department of Justice na maglabas ng Arrest Warrant para mabuhay ang kaso ni Trillanes matapos pawalang bisa ni Pangulong Duterte ang amnestiya ng Senador na ibinigay ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *