Court of Appeals ipinag-utos na palayain ang isang Drug convict dahil sa kabiguan ng pulisya na masunod ang pag-aresto at pagproseso ng ebidensya laban dito

Ipinagutos ng Court of Appeals sa Bureau of Correction at New Bilibid Prisons na palayain agad ang isang lalaking nahatulan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act dahil sa umanoy pagbebenta ng drogam

Sa desisyon ni CA Second Division Associate Justice Maria Luisa Quijano-Padilla, pinaboran nito ang apela na inihain ni Elvis Eusebio Macabuhay.

Binaligtad at isinantabi ng CA ang hatol ng Quezon City RTC Branch 227  kay Macabuhay

Ayon sa CA, bigo ang operatiba ng Quezon City Police Station 1 na masunod ang nakasaad sa Section 21 ng RA 9165 kaugnay ng  pagproseso at pagimbentaryo ng ebidensya.

Ipinunto ng appellate court ang nakasaad sa batas na dapat agad iproseso ang ebidensya sa lugar na pinangyarihan ng operasyon gaya ng pagkuha ng larawan ng suspek at ang ebidensyang nakuha at testigo mula sa media, barangay o kaya ay sa National Prosecution Service.

Si Macabuhay ay nahuli sa buy bust operation noong December 2, 2011 pero hindi sa mismong pinangyarihan ng buy bust isinagawa ang pagiimbentaryo ng ebidensya.

Binigyan ng hukuman ang NBP ng limang araw para palayain si Macabuhay.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *