Mga nakatatanda sa Region 4-A, nakinabang sa isinagawang kauna-unahang Senior Citizen’s health summit
Isinagawa ng Department of Health o DOH-Ccalabarzon ang kauna unahang Senior Citizen’s Health summit.
Dumalo dito ang mahigit 100 mga participants mula sa iba’t-ibang lalawigan mula sa rehiyon, tulad ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Ayon kay DOH Regional Director Eduardo Janairo, hindi hadlang ang katandaan upang maging produktibo ang buhay at maging kapaki pakinabang sa lipunan.
Ang mga Senior Citizens ay mayroon pa umanong malaking maibabahagi sa kasalukuyang henerasyon.
Sa naturang summit, binigyang diin ni Janairo sa mga senior citizens na panatilihing malusog ang katawan at kumain ng masusustansyang pagkain na sagana sa fiber tulad ng prutas, gulay at dagdagan ang pag inom ng tubig upang manatiling aktibo at energetic ang kanilang katawan.
Dapat din umanong mag focus ang mga senior citizens sa paghadlang sa karamdaman sa pamamagitan ng pag iwas o pagtigil sa masamang bisyo na tulad ng paninigarilyo at pag inom ng inuming nakalalasing.
Marapat din anya na panatilihin na masaya ang pakiramdan at gumawa ng mga bagay na talagang inienjoy nila at kaya ng kanilang katawan.
Sinabi ni Janairo na malaki ang maitutulong ng mga nabanggit kung susundin ito ng mga senior citizen dahil makababawas ito ng panganib sa pagkakaroon ng disabilities at mga uri ng sakit.
Ayon pa kay Janairo, tumanggap din ang mga dumalong participants sa summit ng mga serbisyong pangkalusugan tulad ng dental at vision check ups.
Bukod dito, itinuro din sa kanila ang iba’t-ibang traditional complementary and alternative modalities upang ma monitor at ma assess ang k over all health nila sa pamamagitan ng blood analysis, diseases prevention analyzer, hypotential therapy at electric acupuncture machines.
Samantala, batay sa Commission on Population o Popcom, mahigit sa walong milyong mga Filipino ang edad 60 years old o nabibilang sa senior citizens ng bansa.
Ginugunita rin ang unang linggo ng Oktubre bilang Elderly Filipino week celebration o linggo ng nakatatandang Filipino batay sa Presidential Proclamation No. 470.
Ulat ni Belle Surara