Road closure ipatutupad sa ilang bahagi ng NLEX-SCTEX mula ngayong araw dahil sa maintenance work

Ilang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) at Subic Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) ang isasara simula ngayong  Lunes, Oct. 8.

Ito ay dahil sa mga maintenance work na isasasagawa sa ilang bahagi ng lansangan sa NLEX at SCTEX.

Sa abiso ng NLEX Corporation, may maintenance improvement works sa sumusunod na mga lansangan simula Oct. 8 hanggang 14:

NLEX:

– Bahagi ng Valenzuela, Northbound at Southbound, innermost lanes

– Bago sumapit ng Mindanao toll plaza, middle lane

–  Bahagi ng Bocaue southbound, middle lane

– Pagitan ng San Simon at San Fernando, Northbound at Southbound Innermost lane

SCTEX: (Oct. 8 to 13)

– Bahagi ng Porac patungo sa direksyon ng Concepcion, Tarlac at Subic, middle lanes.

Dahil naman sa kukumpunihing mga tulay, maaapektuhan ang mga sumusunod na lansangan:

 

NLEX:

– old Angeles overpass, southbound , innermost lane (oct. 8 to 10)

– old Angeles overpass, southbound , middle lane (oct. 9, 11 and 12)

Mayroon namang drainage enhancement na makaaapekto sa sumusunod na lugar.

 

NLEX:

– bahagi ng Meycauayan, northbound and southbound, outermost lane (Oct. 8 to 14)

– bahagi ng Panadayan exit (Oct. 8 to 14)

Inabisuhan ng NLEX ang publiko na asahan na ang mas masikip  na daloy ng traffic sa mga apektadong lugar.

 

===============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *