DPWH nanguna sa listahan ng mga pinaka-inirereklamong kagawaran dahil sa katiwalian

 

Inilabas ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang listahan ng mga kagawarang pinaka-inirereklamo ng katiwalian.

Ayon sa PACC, nangunguna sa kanilang listahan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na sinundan naman ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Pumangatlo naman ang Department of Finance (DOF) partikular na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang Bureau of Customs (BOC).

Kabilang din sa naturang listahan ang National Commission on Indigenous People (NCIP), Department of Agriculture (DA),  Department of Transportation (DOTr) at  Department of Foreign Affairs (DFA).

Batay sa datos ng PACC, nasa mahigit 400 mga reklamo ang kanilang natatanggap kung saan aabot sa 59 lamang ang may kumpletong mga dokumento at testimoniya.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *