Operating hours ng mga mall sa Metro Manila inurong
Upang mapaghandaan ang inaasahang paglala pa ng trapiko sa papalapit na holiday season minabuting iurong ng isang oras ang operasyon ng mall sa metro manila.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Gneral Manager Jojo Garcia, alas-11 na ng umaga magbubukas ang mga mall lalo na ang nasa kahabaan ng EDSA, Libis at Commonweath Avenue sa Quezon City, at Marcos Highway sa Marikina City.
Sinabi ni Garcia na pumayag ang mga mall operators na magdadag ng seguridad sa kanilang mga vehicle entrance, tanggalin ang anumang mga nakahambalang sa loading at unloading stations, at limitahan ang delivery ng mga non-perishable items sa pagitan ng alas-11 ng gabi at alas-5 ng umaga.
Nakatakdang magsimula ang pagbabago sa operating hours sa November 5 hanggang January 14 sa susunod na taon.
Umaasa naman si Garcia na sa pamamagitan nito ay mababawasan ng nasa 1,500 na mga sasakyan ang dumadaan sa mga pangunahing kalsada kapag rush hour lalo na sa umaga.
Samantala, naglabas na rin ang MMDA ng moratorium para sa pagsuspinde sa mga ginagawang road projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), hindi kabilang ang “Build, Build, Build” projects.
Ulat ni Earlo Bringas