Preliminary investigation ng DOJ sa kaso ng pagpaslang kay Trece Martires City Vice- Mayor Alexander Lubigan, itinakda sa Biyernes, October 12; Mayor Melandres De Sagun at iba pang respondents, ipina-subpoena na
Ipinatawag na ng DOJ panel of prosecutors si Trece Martires City Mayor Melandres de Sagun at anim na iba pa para humarap sa preliminary investigation sa kaso ng pagpatay kay Vice Mayor Alexander Lubigan.
Pinadalhan na ng subpoena ni Senior Assistant State Prosecutor Rassendell Rex Gingoyon sina De Sagun para dumalo sa pagdinig at maghain ng kontra-salaysay sa Biyernes, October 12.
Si De Sagun ay ipinagharap ng reklamong murder at frustrated murder sa DOJ ng CALABARZON PNP, Cavite Police at ng mga kamag-anak ni Mayor De Sagun noong Setyembre.
Kabilang din sa kinasuhan sina Maragondon, Cavite councilor Lawrence Arca, Luis Vasquez Abad Jr, Ariel Fletchetro Paiton, Rhonel Bersamina at dalawang iba pang hindi nakikilala.
Si Lubigan ay tinambangan sa harap ng Korean-Philippines Hospital sa Brgy Luciano noong hapon ng July 7 na ikinasawi nito at ng kanyang driver at ikinasugat naman ng bodyguard.
Ulat ni Moira Encina