4 Bilyong pisong kita ng bansa mawawala sa suspensyon ng ‘Fuel Excise Tax’ – DOF

Nagpaalala ang Department of Finance sa publiko kasunod ng panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang ikalawang bugso ng excise tax sa langis.

Sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino, na hindi ibig sabihin ng naturang suspensyon ay bababa na rin ang presyo ng mga pangunahing produkto na tumaas kamakailan.

Sa ngayon, gumagawa na ang economic managers ng mga programang tutugon sa epekto ng nakatakdang suspensyon.

Aabot kasi sa 40-bilyong piso ang inaasahang mawawala sa kita ng bansa kapag lumakad na ang kautusan.

Sa ilalim ng unang tranche ng Tax Reform on Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, 2.50 piso kada litro ang excise tax sa diesel, at 7 piso sa gasolina.

Aakyat pa ito sa 4.50 piso kada litro sa diesel, habang 9 piso sa gasolina kada litro pagpasok ng ikalawang tranche nito sa Enero ng 2019.

Sa kabila nito, tiwala ang Finance department sa desisyon ng Pangulo.

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *