Mga Senador, nag-aagawan sa kredito sa suspensyon ng Excise Tax
Tila nagpaligsahan ang mga Senador sa kredito sa suspensyon ng Excise tax sa mga produktong petrolyo.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto, nakinig raw ang Pangulo sa kanilang panawagan na tugunan ang matinding epekto ng inflation.
Sumulat kasi si Sotto kasama ang 17 Senador sa Pangulo na suspindihin ang Excise tax matapos pumalo sa 6.7 percent ang inflation.
Pero ayon sa minorya sa Kamara, panalo raw ng oposisyon ang desisyon ng pangulo na ipatigil ang pagpapataw ng dagdag na buwis sa oil products simula sa Enero ng susunod na taon.
Nauna na kasing naghain ng Joint Resolution ang oposisyon na pirmado ng anim na senador para suspindihin ang excise tax at magpatupad ng rollback sa oil products.
Ulat ni Meanne Corvera