PNP, naglatag na ng mga inisyatibo para sa mapayapang halalan sa 2019

May mga konkretong inisyatibo nang inihahanda ang Philippine National Police (PNP) para masiguro ang mapayapang halalan sa susunod na taon.

Ayon kay PNP spokesperson General Benigno Durana, nagsimula na nilang habulin ang mga gun-for-hire syndicate at mga private armed groups.

Sa ngayon pa lamang ay aabot na sa 85 miyembro ng gun-for-hire syndicates at mahigit 30 miyembro naman ng private armed groups ang kanilang naaresto.

Nakakumpiska na rin sila ng iba’t-ibang matataas na kalibre ng baril.

Umapila naman si Durana sa mga mamamayan na tulungan silang masugpo ang kriminalidad sa bansa at sa pagpapanatiling payapa ang halalan.

“We’ve lay down the foundation for the honest, orderly and peaceful elections. This is not only our role dahil malaki ang tulong ng mga mamamayan sa pagsugpo ng kriminalidad at maging payapa ang eleksyon sa susunod na taon”.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *