DOJ handang maghintay sa desisyon ng Makati RTC Branch 148 kaugnay sa mosyon nila na ipaaresto si Senador Trillanes para sa kasong kudeta

Handang maghintay ang DOJ sa pasya ni Makati RTC Branch 148 Judge Andres Soriano kahit halos dalawang buwan na ang lumipas nang ihain nila ang kanilang urgent motion na ipaaresto si Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, willing to wait sila sa desisyon ni Soriano sa mosyon nilang magpalabas ng arrest warrant  laban sa Senador para ituloy ang pagbasa ng sentensya dito.

September 4 nang ihain ng DOJ ang urgent motion na ipaaresto si Trillanes matapos na ipawalang-bisa ang amnestiya dito ni Pangulong Duterte.

Bago magawaran ng amnestiya si Trillanes noong 2011, itinakda ni noo’y Branch 148  Presiding Judge Oscar Pimentel noong December 2010 ang promulgation o pagbasa ng sentensya laban sa senador at iba pang akusado sa Oakwood Mutiny.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *