Mahigit 8,770 Barangay, idineklara nang Drug-cleared – pdea
Umabot na sa 8,766 na Barangay sa buong bansa ang idineklarang drug-cleared mula September 30.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP), nasa 23,262 pa na Barangay ang kasalukuyan pang nililinis sa iligal na droga.
Iginiit naman ng PNP at PDEA na nagpapatuloy ang kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot.
Ayon kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, ang Drug-cleared Barangay ay ang mga napasok ng iligal na droga ngunit matagumpay na nalinis sa pamamagitan ng mga programa ng gobyerno.
Kabilang dito ang pagpapasuko at paghimok sa mga Drug users na huminto na sa paggamit, pag-aresto sa mga drug personalities, pagtanggap sa transshipment points, pagwasak sa manufacturing facilities at pagkakaroon ng Rehabilitation centers sa mga Barangay.
Ayon kay Carreon, umabot na sa kabuuang 25.01 bilyong pisong halaga ng droga at mga kagamitan ang nakumpiska sa buong bansa mula Setyembre 2018 na mas mataas ng 891 milyong piso noong Agosto.
==============