DENR, magdedeklara na lamang ng isang Minahang Bayan sa Cordillera region para sa mga small scale mining activities
Natapos na ang Geo-hazard mapping sa Itogon, Benguet partikular sa pinangyarihan ng landslide.
Ayon kay Environment Undersecretary Jonas Leones, 1998 pa lamang ay abandonado na ang small scale mining area sa Itogon kaya dapat ay wala talagang naninirahan doon at hindi dapat payagan ang anumang mining industries.
Ito ang dahilan kung bakit sinuspinde na ng DENR ang lahat ng mga legal at illegal small scale mining activities sa Cordillera region matapos ang trahedya.
Aniya, plano ng DENR na magdeklara ng isang lugar na tatawaging Minahang Bayan kung saan doon lang papayagang magsagawa ng pagmimina at hindi na rin pupuwedeng gawing komunidad.
Bukod sa kaligtasan ng mga minero, isa rin ito sa paraan ng pamahalaan para mamonitor ang mga aktibidad ng mga small scale mining sa pamamagitan ng paglalagay sa kanila sa isang minahang bayan.
“Ili-limit natin sila sa Minahang Bayan at we really make sure na they comply with the environmental requirements at masiguro natin ang safety at we can provide technical assistance with them kung alam natin kung saan sila nagmimina. Ang with these, mamomonitor natin ang mga minerals natin”.