Cagayan, hindi pa nakakabangon mula sa paghagupit ng bagyong Ompong

Matatagalan pa bago tuluyang makabangon sa pagsalanta ng bagyong Ompong ang Cagayan province.

Sa panayam ng Radyo Agila kay Cagayan Governor Manuel Mamba, matinding pinsala ang idinulot ng bagyo sa kanilang agrikultura.

Sa ngayon nakatutok sila sa pagtulong sa kanilang mga magsasaka sa pamamagitan ng  pamamahagi ng mga Hybrid seeds para sa mga pananim na palay at mais at mga vegetable seeds sa tulong ng Department of Agriculture.

Mula naman sa local government ay nagkakaloob rin sila ng food assistance sa mga magsasaka kada buwan.

Patuloy rin aniya ang pagkumpuni ng mga nasirang bahay sa tulong naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bukod pa ito sa ipinamigay na 30 libong piso para sa mga totally damged houses at sampung libong piso naman sa mga partially damaged houses.

Tumutulong din aniya ang mga Non-governmental organizations (NGO’s) sa pamamagitan ng pamimigay ng mga food at non-food items.

Pagdating naman sa kanilang mga power connections, may mga lugar pa rin sa lalawigan ang wala pa ring kuryente dahil sa tindi ng pinsala ng bagyo.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *