Mga residente ng Caloocan at Quezon City na kasama sa mga pinakamahihirap na lugar sa Metro Manila, nilingap rin ng Iglesia ni Cristo

 

Sa kabila ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas, mataas pa rin ang datos ng mga Pinoy na nasa below national poverty line.

Katunayan sa huling datos ng Philippine Statistics Authority(PSA), umaabot pa sa mahigit 22 million ang itinuturing na mahirap kung saan malaking porsyento nito ay naitala sa Metro Manila.

Sa datos ng PSA hanggang sa unang quarter ngayong taon, 40 percent ng mga taga Metro Manila kabilang sa below poverty line.

Ito ang dahilan kaya nagsasagawa ng lingap laban sa kahirapan ang Iglesia ni Cristo.

Kasama sa mga nilingap ng INC ang mahigit 5,000 residente sa Caloocan.

Kasama na rito ang mga taga Brixton Hills, Mountain Heights, Camarin at Deparo.

Sa Quezon City, mahigit 3, 500 na mga residente mula sa Luzon avenue, Veterans Village at Pugadlawin rin ang nabigyan ng goody bags mula sa isinagawang lingap laban sa kahirapan.

Nglalaman ito ng limang kilong bigas at ilang groceries na layong makatulong sa pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan,

Ayon sa mga residenteng nabigyan ng tulong, malaking tulong na ito sa kanilang pamilya lalu’t mataas ang presyo ngayon ng mga pangunahing bilihin.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *