San Antonio, Zambales, nakahanda sa pagdagsa ng mga bakasyunista

 

 

Nakahanda ang bayan ng San Antonio, Zambales sa posibleng pagdagsa ng mga turista ngayong mahabang bakasyon.

Ayon kay Tourism officer Berna Lazaro, katuwang nila sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga turista at bakasyunista ang mga volunteer team mula sa Provincial Disaster, Risk, Reduction and Management office (PDRRMO), at mga pulis.

Regular din aniya ang pakikipag-ugnayan at monitoring ng lokal na pamahalaan sa mga nagmamay-ari ng mga resorts at mga pasyalan sa kanilang lugar .

Kabilang dito ang pagtitiyak na may mga lifeguards ang bawat swimming resorts at ang pagpapanatili ng kalinisan sa bawat tourist spots sa pamamagitan ng tamang pagtatapon ng mga basura.

Ipinagmamalaki ng San Antonio, Zambales ay kanilang Anawangin cove, mga isla ng Capones at Potipot, Bagsit river, Coto waterfalls, Mount Tapulao at Mount Cinco Picos.

Dito sa San Antonio, mahipit na ipinatutupad ang maayos na pagtatapon ng basura at regular ang koleksyon namin ng mga basura. Inaanyayahan na min kayo na bumisita dito sa aming bayan para makita natin yung ganda ng mga tanawin hindi lang dito sa aming bayan kundi maging sa buong Zambales”.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *