Ibat-ibang ahensya ng pamahalaan handa na sa pananalasa ng bagyong Rosita sa Northern Luzon – Malakanyang

Ngayon pa lamang ay handa na ang ibat ibang ahensya ng pamahalaan katuwang ang mga Local Government Units (LGU’s) kaugnay ng nakatakdang pananalasa ng bagyong Rosita sa Northern Luzon.

Sa briefing sa Malakanyang, sinabi ni National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) spokesman Edgar Posadas na nagkaroon na ng koordinasyon ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para sa prepositioning ng rescue at relief operations na inaasahang isasagawa sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Rosita sa Northern Luzon.

Pinaalalahanan din ng NDDRMC ang mga residente na tatamaan ng bagyong Rosita na tumalima sa mga abiso partikular ang evacuation para maiwasan ang mga casualties.

Tiniyak din ng Malakanyang na pananagutin ang mga Local Government officials ng Neglect of Duty kapag wala ang mga ito sa kanilang lugar sa panahon ng pananalasa ng kalamidad.

Magugunitang mayroong sampung mga local officials ng Northern Luzon ang nalagay sa hot water noong manalasa ang bagyong Ompong dahil wala ang mga ito sa kanilang lugar at hindi nakatugon sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.

 

 Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *