World Psoriasis Day 2018, ginunita
“Treat Psoriasis seriously”., ito ang tema ng paggunita sa World Psoriasis Day sa taong ito.
Taun-taon ginugunita ito upang itaas ang kamalayan ng publiko na ang sakit na nabanggit ay hindi naman dapat katakutan.
Ayon kay Dra. Zharla Gulmatico Flores ng Philippine Dermatological society (PDS), bagaman ito ay namamana, hindi ito nakakahawa.
“Hindi siya nakakahawa in a sense na kahit hawakan mo ung kamay niya, okay, kainan mo ung kutsara na kinainan niya, halikan mo siya o, i hug mo siya, hindi talaga siya nakakahawa, it’s not contagious.
Hindi rin nakukuha ang psoriasis sa mga kinakaing pagkain.
Sinabi naman ni Dra. Noemi Ramos ng PDS:
“Base sa pag aaral namin, napatunayan na ho ito, wala ho talagang partikular na pagkain na nakapagpapalabas ng Psoriasis”
Binigyang- diin ng mga eksperto mula sa PDS, bagaman ito ay namamana, may mga triggers na nagpapalala ng sintomas ng psoriasis, kabilang dito ang impeksyon, pagkakaroon ng sugat o kagat ng insekto, pagkasunog ng balat mula sa init ng araw, stress, malamig na klima, paninigarilyo, pag-inom ng alak at pag-inom ng ilang mga gamot.
Ulat ni Belle Surara