Apat na RTC judges, pinatawan ng parusa ng Korte Suprema dahil sa mga paglabag sa isinagawang eleksyon ng Phil. Judges Association noong 2013

Pinatawan ng parusa ng Korte Suprema ang apat na Regional Trial Court Judges dahil sa mabigat na administratibong pananagutan  nang kumandidato sa Philippine Judges Association convention and elections noong 2013.

Sa 64 na pahinang per curiam decision, pinagmulta ng Supreme Court na tig-21,000 pesos sina Quezon City RTC Branch 83 Judge Ralph Lee at Biñan, Laguna RTC Branch 24 Judge Marino Rubia dahil sa paglabag sa Section 4(a) ng Guidelines sa Conduct of Elections of Judges Association.

Pinagbabayad naman ng Korte Suprema si Makati City RTC Branch 132 Judge Rommel Baybay ng 30 libong piso dahil sa mga paglabag sa Sections 4(a) and 4(d) ng PJA elections Guidelines.

Pinagsabihan naman ng SC si Manila RTC Branch 24 Judge Lyliha Aquino na mas maging maingat ito sa kanyang mga aksyon.

Sa ilalim ng Section 4(a) ng Guidelines, ipinagbabawal ang pamamahagi ng anomang election campaign material maliban lang sa kanilang curriculum vitae o biodata ng kandidato at flyer ng kanilang kwalipikasyon, plan of action, at plataporma.

Hindi pinapayagan ang iba pang campaign materials gaya ng posters, streamers, banners at iba pang printed propaganda.

Ipinagbabawal naman sa Section 4(d) ang pagkakaloob ng libreng hotel accomodations sa mga miyembro ng judges’ associations.

Ayon sa SC,  si Judge Aquino ay pinagsabihan dahil sa pag-book ng room accomodations para sa mga hukom sa 2013 PJA Convention and election nang sya ay tumakbo para sa re-election bilang PJA Secretary-General.

Bagamat in good faith anila ang ginawa ni Judge Aquino, ito ay maaring mapolitika dahil ito ay sa panahon ng PJA elections.

Si Judge Lee ay guilty naman sa Section 4(a) dahil sa paggamit at pamimigay ng mga campaign materials gaya  ng  desk calendars, posters, and tarpaulins.

Nabatid din na lumabag din sa Section 4(a) si Judge Baybay dahil sa pamimigay ng cellphones bilang raffle prizes sa parehong Convention sa panahon ng campaign period.

Lumabag din si Baybay sa Section 4(d) dahil sa pagbibigay ng hotel room accomodation na may 25% discount sa mga piling judges sa Convention.

Pinarusahan naman si Judge Rubia dahil sa pamamahagi ng campaign kits na binubuo ng bag, cap, tshirt at printing material na paglabag sa Section 4(a).

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *