Resolusyon ni Senadora Leila De Lima na imbestigahan ang Build, build, build projects ng administrasyon, welcome sa Malakanyang

Bukas ang Malakanyang sa isinusulong na imbestigasyon ni Senadora Leila de Lima sa Build-Build-Build projects ng Duterte Administrasyon.

Ito ang naging tugon ng  Malakanyang matapos maghain si De Lima ng Senate Resolution 927 para busisiin ang konstruksyon ng North Luzon Expressway-South Luzon Expressway NLEX-SLEX Connector Road Project at North-South Commuter Railway Project.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kumpiyansa ang Malakanyang na handa ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na dumalo sa hearing kung ipapatawag ng Senado.

Inihayag ni Panelo na kung anuman ang isyu sa mga proyekto ay agad itong masasagot dahil bago sinimulan ang mga projects ay dumaan muna ito sa isang feasiblity study kung saan kasama sa pinag-aralan ang general impact sa ekonomiya at kondisyon ng mga residenteng maaapektuhan nito.

Umaasa naman ang Malakanyang na ang isinusulong na Senate inquiry ni De Lima ay hindi para sa isang political grandstanding lamang kung saan kilala  umano ang Senadora sa ganitong istilo.

Iginiit ni Panelo na election season na kaya’t hindi malayo na baka naghahanap na naman ang oposisyon ng isyu para siraan ang administrasyon at si Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyan tinatamasa ang mataas na trust ratings mula sa publiko.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *