Puganteng Japanese at Korean na naaresto sa Taguig at Dasmariñas, Cavite, ipapadeport ng Bureau of Immigration

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese at isang Korean na parehong wanted sa kani-kanilang bansa.

Ayon kay BI spokesperson Dana Krizia Sandoval, ang Japanese national na si Masaya Nonoyama, 57 anyos ay nadakip sa Taguig City habang Koreanong pugante na si Lee Jong Hyun, 36 anyos ay sa Dasmariñas, Cavite natimbog ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit.

Sinabi naman ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ipapadeport nila ang dalawa para kaharapin ang mga kaso laban sa kanila.

Si Nonoyama ay may arrest warrant sa Japan para sa kasong embezzlement at nagtatago sa Pilipinas mula pa noong 2015 at isa nang overstaying alien.

si Lee naman ay nahaharap sa mga kasong fraud at swindling sa South Korea at hindi na umalis ng Pilipinas mula nang dumating noong 2014 kaya isa na ring overstaying alien.

Bukod sa pagiging overstaying, undocumented alien din ang dalawa dahil kinansela na ng kanilang pamahalaan ang pasaporte ng mga ito.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *