Malakanyang nagpaliwanag sa mabagal pa ring rehabilitasyon sa mga biktima ng bayong Yolanda

Wala pang masabing panahon ang Malakanyang kung kailan talaga makukumpleto ang rehabilitasyon sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Yolanda limang taon na ang nakalilipas.

Sa press briefing sa Malakanyang, naghugas kamay si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa obserbasyon ng ilang sector na hanggang  ngayon mabagal pa rin ang konstruksyon ng mga istruktura at mga bahay na winasak ng bagyo.

Magugunitang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dismayado siya sa napakabagal na rehabilitasyon sa Visayas region kung saan tumama ang bagyong Yolanda.

Nangyari ang bagyo sa panahon ng administrasyong Aquino at sinasabing naging mala usad pagong ang rehabilitasyon ng mga lugar na pinadapa ng kalamidad hanggang sa inabot na ng Duterte administration.

Katwiran ni Panelo may ilang mga bagay na pumipigil sa konstruksyon ng mga bahay ng mga biktima ng Yolanda.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *