Panukalang batas na palayain ang mga presong may malubhang sakit, isinusulong sa Senado
Isinusulong ni Senator Leila de Lima na palayain na ang mga preso na may malubhang sakit para maalagan ng kanilang pamilya o makatanggap ng mas maayos na serbisyong-medikal.
Sa Senate Bill 2084, nais ni de Lima na mabigyan ng medical parole o compassionate parole ang mga kuwalipikadong may sakit na preso
Sa panukala ni De lima, kasama sa mga maaaring mabigyan ng medical parole ang mga preso na may malubhang sakit at hindi na kayang alagaan pa ang kanilang sarili.
Pero kailangang matiyak na ang mga ito ay hindi na magiging banta sa lipunan.
Maari namang harangin ninuman ang parole kung mappatunayan na ginamit lang ito sa pag-abuso.
Ulat ni Meanne Corvera