Malacañang ayaw makialam sa mga graft cases ni dating Unang Ginang Imelda Marcos

Dumidistansiya ang malakanyang sa kasong graft ni dating Unang Ginang at Ilocos Norte Congresswoman Imelda Romualdez Marcos.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na bilang presidente at abogado alam ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ano ang umiiral na batas.

Ayon kay Panelo hindi ugali ni Pangulong Duterte na makialam sa hudikatura dahil sa prinsipyo ng separation of power

Inihayag ni Panelo pawang espikulasyon lamang lalo na ng mga kritiko ang sinasabing gagawaran lamang ng pardon ni Pangulong Duterte si Ginang Marcos kapag naging pinal ang hatol ng anti graft court.

Niliwanag ni Panelo maging ang pagbibigay ng presidential pardon ay mayroong prosesong sinusunod at hindi ito basta ibinibigay ng chief executive.

Ulat ni vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *