Pangulong Duterte, tutol sa pagsasagawa ng anumang military excercise sa South China Sea
Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang posisyon na tutol siya sa anumang isasagawang military excercise sa South China sea.
Sinabi ng Pangulo sa ambush interview ng Philippine media sa Asean summit sa Singapore na dapat tanggapin ng Amerika ang katotohanang nakaposisyon na sa South China sea ang Chinese Military defense mechanism.
Ayon sa Pangulo anumang military drill na isasagawa ng Amerika sa South China sea ay maaaring maging mitsa ng giyera.
Inihayag ng Pangulo na ikinatatakot niya ang pagkakaroon ng tensiyon sa mga pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea na mauiwi sa digmaan dahil hindi maiiwasan madamay ang Pilipinas.
Niliwanag ng Pangulo bilang tumatayong coordinator ang Pilipinas sa Asean China Cooperation ay sisikapin niyang huwag magkaroon ng tensiyon sa south china sea sa pamamagitan ng diplomatikong pamaraan.
Ulat ni Vic Somintac