Supreme Court Justice Lucas Bersamin isa sa mga gagawaran ng Gusi Peace Awards ngayong taon
Isang mahistrado ng Korte Suprema ang gagawaran ng prestihiyosong Gusi Peace Prize International Awards ngayong taon.
Ito ay si Supreme Court Associate Justice Lucas Bersamin na isa sa dalawang Pinoy na makatatanggap ng nasabing parangal.
Gaganapin ang Gusi Peace Awards sa November 28 sa PICC na layuning kilalanin ang natatanging kontribusyon ng mga pararangalan sa kapayapaan sa kanilang mga propesyon.
Bukod kay Bersamin, ang isa pang Pinoy na gagawaran ng parangal ay si General Antonio Tamayo.
Mayroon ding mga honorees mula sa mga bansang Argentina, Costa Rica, Australia, Ethiopia, Germany, India, USA, Portugal, Pakistan, Turkey, South Africa at Poland.
Si Bersamin ay ang third most senior sa Korte Suprema pero pinakamatagal sa serbisyo sa hudikatura na umabot na sa 32 taon.
Nagsimula si Bersamin sa hudikatura noong 1986 sa Quezon City RTC.
Naitalaga naman siya sa Court of Appeals noong 2003 at pagkatapos ay nahirang sa Korte Suprema noong 2009.
Isa sa mga natanggap na parangal ni Bersamin ang Chief Justice Jose Abad Santos Award bilang Outstanding RTC Judge noong 2002.
Naging recipient din siya ng Chief Justice Fred Ruzi Castro Memorabilia Commission para sa Best Decision in Civil Law at Best Decision in Criminal Law sa lahat ng RTC judges noong 1999.
Ulat ni Moira Encina