Malakanyang handa na sa dalawang araw na State visit ni Chinese President Xi Jinping
All systems go na ang Malakanyang sa dalawang araw na State visit ni Chinese President Xi Jinping na magsisimula sa November 20 hanggang November 21.
Batay sa schedule na inilabas ng Malakanyang darating sa bansa sa November 20 araw ng Martes si President Xi Jinping sa Ninoy Aquino International airport Terminal 1 ganap na alas 11:40 ng umaga.
Alas 4:15 ng hapon magsasagawa ng wreathlaying ceremony sa monumento ni Dr. Jose Rizal sa Luneta, Maynila si President Xi.
Alas 4:30 ng hapon bibigyan ng full military arrival honor ni Pangulong Rodrigo Duterte si President Xi sa Kalayaan ground sa palasyo ng Malakanyang.
Alas 4:45 ng hapon lalagda si President Xi sa guest book sa reception hall ng palasyo.
Alas 5:00 ng hapon magsasagawa ng expanded bilateral meeting sina Pangulong Duterte at President Xi sa Aguinaldo state dining room.
Alas 5:35 sasaksihan nina Pangulong Duterte at President Xi ang mga Joint agreement sa pagitan ng Pilipinas at China.
Alas 6:00 ng hapon magkakaroon ng joint press statement sina Pangulong Duterte at President Xi at alas 7:15 ay magkakaroon ng State dinner sa Rizal Hall ng Malakanyang.
November 21 araw ng Miyerkules alas 11:00 ng umaga magkakaroon ng courtesy call sina Senate President Tito Sotto at House speaker Gloria Macapagal Arroyo kay President Xi sa Shangri-la Bonifacio Global city sa Taguig.
Ala 1:00 ng hapon ay aalis na sa NAIA Terminal 1 papuntang Beijing si President Xi Jinping.
Ulat ni Vic Somintac