Pangulong Duterte napapayag si Chinese President Xi Jinping sa pagtatag ng Code of Conduct sa South China sea
Nagkasundo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa pagsusulong ng Code of Conduct sa mga pinagtatalunang teritoryo sa South China sea.
Sa naganap na Bilateral meeting nina Pangulong Duterte at President Jinping sa Malakanyang, nangako ang lider ng China na makikipagtulungan kasama ang iba pang Asean countries sa pagbuo ng Code of Conduct na magbibigay daan sa kapayapaan sa rehiyon.
Ang Code of Conduct sa mga pinagtatalunang teritoryo sa South China sea ang isa sa isyung isinulong ni Pangulong Duterte sa katatapos na Asean summit sa Singapore.
Si Pangulong Duterte ang itinalaga ng mga Asean leaders na maging coordinator sa China para mabuo ang inaasam na code of conduct sa South China sea.
Ulat ni Vic Somintac