Pilipinas deklaradong Polio-free …..ngunit nananatili pa ring banta sa kalusugan
Sinertipikahn na ng World Health Organization (WHO) ang Pilipinas bilang Polio-free noon pang October 2000.
Ngunit, magkagayunman, kasama pa rin ang Polio vaccine sa mga routinary vaccine na ibinibigay sa mga sanggol.
Samantala, kabilang sa mga sintomas ng Polio ay lagnat, sore throat, pananakit ng ulo, pagsusuka, pagkapagod, pananakit ng likod, pananakit ng leeg, pananakit ng mga kalamnan at meningitis.
Marapat na magpatingin sa doktor kung makararanas ng mga sintomas na nabanggit o kaya naman ay may kasaysayan ng pagkakasakit ng polio sa nakalipas na mga taon.
Ayon sa WHO, ngayong 2018, 17 lamang ng kaso ng Polio ang naitala sa buong mundo…na ito ay nagmula pa sa dalawang bansa, Afghanistan at Pakistan.
Ulat ni Belle Surara