Pathologist, kinontra ang findings ng PAO kaugnay ng dahilan ng pagkamatay ng mga nabakunahan ng Dengvaxia

Kinontra ng isang Pathologist ang findings ng Public Attorney’s Office (PAO) kaugnay sa mga nasawing nabakunahan ng Dengvaxia.

Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability , humarap si Dr. Raymundo Lo at iginiit na walang basehan at hindi lohikal ang findings nina Dr. Erwin Erfe ng Public Attorney’s Office (PAO) na Dengvaxia vaccine ang dahilan ng kamatayan ng mahigit isang daang batang na-autopsy ng mga eksperto ng PAO.

Maaaring may ibang sakit aniya ang mga  nasawing biktima na totoong dahilan ng kamatayan ng mga ito.

Ipinunto din ni Lo na kulang sa training ang PAO para magkaroon ng matibay na konklusyon.

Bago pa makapagpaliwanag si Lo ay tinangka ni PAO Chief Persida Acosta na hadlangan ito nang kumprontahin ang doktor sa gitna ng hearing.

Giit ni Acosta ang 102 biktima na inilapit sa PAO ay sumailalim sa Forensic autopsy at iba pang pagsusuri ng mga pathologists mula sa UERM hospital at Ospital ng Maynila.

 

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *