Korte Suprema binigyan ang Sandiganbayan ng dagdag panahon para desisyunan ang Plunder case laban kay dating Senador Bong Revilla
Pinagbigyan ng Korte Suprema ang hiling ng Sandiganbayan First Division na dagdag na panahon para desisyunan ang kasong pandarambong at katiwalian laban kay dating Senador Bong Revilla.
Sumulat ang anti-graft court sa Korte Suprema na bigyan sila ng dagdag na 30 araw para mapag-aralan ang kaso at maigawad ang kanilang hatol.
Mula sa orihinal na petsa ng promulgation ng kaso laban kay Revilla noong November 9, 2018, hiniling ng Sandiganbayan First Division justices na payagan silang i-promulgate ang kaso sa December 7, 2018.
Ito ay dahil na rin sa sobrang daming documentary evidence na isinumite ng mga partido sa paglilitis ng kaso.
Ang kasong plunder at graft laban kay Revilla ay inihain ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan noong 2014 kaugnay sa sinasabing paglustay sa PDAF nito na pinadaan sa mga pekeng NGOs ni Janet Napoles.
Ulat ni Moira Encina