Appointment paper ni Senador Honasan bilang DICT Secretary, nilagdaan na ni Pangulong Duterte
Inilabas na ng Malakanyang ang dokumento para sa pagtatalaga sa puwesto kay Senador Gregorio Honasan.
Batay sa inilabas na dokumento ng Malakanyang na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte na may petsang Nobyembre 20 si Honasan ay nominated ng Pangulo sa Commission on Appointment bilang bagong kalihim ng Department of Information and Communications Technology o DICT.
Papalitan ni Honasan si acting secretary Eliseo Rio.
Si Honasan ay inilagay sa DICT sakto sa timing ng pagpasok ng ikatlong player ng telecommunication sa bansa.
Ang Mislatel ang nanalong bidder para sa ikatlong kumpanya ng telecommunication na mag ooperate sa bansa sa lalong madaling panahon.
Ulat ni Vic Somintac