Paggamit ng single plastic sachet ipagbabawal na
Tuluyan nang ipagbabawal ang paggamit ng single plastic sachet sa lahat ng sari-sari stores, mga retailers at lahat ng food establishments.
Ito’y kapag napagtibay ang Senate Bill 1948 o ang Single use plastic regulation at use of single plastic products.
Ayon kay Senador Loren Legarda, chairman ng Senate Committee on Climate Change, ang itinatapong maliliit na plastic ang sanhi ng mga pagbara at pagdumi ng mga daluyan ng tubig gaya ng kanal, estero o ilog.
Senador Legarda:
“Single-use plastics, such as cigarette butts, drinking bottles and caps, food wrappers, grocery bags, lids, straws, stirrers, and take-away containers, are immediately discarded and end up in landfills. They are harmful for the environment and human health because they pollute our water; cause blockages in sewerage and drainage systems, which lead to flooding; and release toxic emissions when burned”.
Matindi na rin aniya ang epekto nito sa marine animals, kalusugan ng tao at ng ecosystem.
Sa panukala, kasama sa tuluyang ipagbabawal ang upos ng sigarilyo, takip at bote ng tubig, sofdrinks o mga kauri nito, balat ng kendi, pagkain gaya ng kape at juice kasama na ang mga sachet ng sabon at shampoo.
Sinabi ni Legarda na dapat gumamit ang mga manufacturer”s ng mga reusable materials
Obligasyon rin aniya ng mga kumpanya na kolektahin ang kanilang mga plastic mula ss mga produkto batay sa itinatakda ng Republic Act No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act.
Hinihimok rin sa panukala ang mga government agencies na maglunsad ng research and development para sa maaring alternatibonsa single use plastic at epekto nito ss mga mangagawa.
Sakaling maging batas, ang mga lalabag ay maaaring pagmultahin ng limang libo hanggang limandaang libong piso o pagkansela ng kanilang business permit.
Ulat ni Meanne Corvera