Mount Mayon dalawang beses nagbuga ng abo
Nakapagtala ng dalawang phreatic eruption sa Bulkang Mayon kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismilogy (Phivolcs), naitala ang pagputok alas 7:59 ng umaga at alas 8:05 ng umaga.
Nagbuga ng grayish hanggang grayish white na ash plume ang Bulkan na may taas na 300 hanggang 500 metro.
Nasa alert level 2 ngayon ang Mayon Volcano na nangangahulugan na ang estado nito ay moderate level.
Patuloy ang babala ng Phivolcs sa publiko na maaring magkaroon ng biglaang pagputok, lava collapses, ashfall at pyroclastic density currents sa bulkan.
Bawal pa rin ang pagpasok sa six kilometer-radius permanent danger zone nito.
===============