Pang-aabuso ng mga pulis pinangangambahang lalala sa utos ng Pangulo na magdeploy ng mas maraming pulis at sundalo

 

Nangangamba ang oposisyon sa Senado na lalo pang dumami ang mga kaso ng pang -abuso ng mga pulis sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpakalat ng mas maraming pulis at sundalo sa Visayas at Bicol region.

Ang masama ayon kay Liberal Party President at Senador Francis Pangilinan, posibleng madawit sa kapalpakan ng mga pulis ang mga sundalo.

Iginiit ni Pangilinan na lumalala ang krimen dahil sa mga tiwaling pulis katunayan marami sa kanila sangkot mismo sa mga kaso ng panghahalay, pagpatay at robbery extortion.

Pero depensa ni Senador Gringo Honasan, walang masama sa utos ng Pangulo.

Prerogative aniya ito ng Pangulo at ginawa ang kaniyang mandato para protektahan ang mamamayan laban sa anumang banta ng mga rebelde o mga terorista.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *