Mga taong kulang sa tulog, mas madali umanong tumaba – ayon sa pag aaral

Mas malaki ang posibilidad na maging overweight o obese,  ang mga taong kulang sa tulog.

Ito ay batay sa  bagong pag-aaral ng mga mananaliksik mula sa Great Britain.

Bukod dito, maaaring magkaroon din ng masamang metabolic heath condition.

Ayon sa nalathala sa Public Library of Science Journal, ang mga taong natutulog ng anim na oras sa gabi ay katamtaman lamang ang timbang, habang ang mga taong mas malaki ng tatlong sentimetro ang beywang ay natutulog ng siyam na oras sa gabi.

Kaya naman ang konklusyon ng mga eksperto,  ang mga natutulog nang mas maiksi ay mas mabigat ang timbang kaysa mahahaba ang tulog.

May kinalaman  din umano sa pagbaba ng antas ng high density lipoprotein (HDL) cholesterol sa dugo ng mga kinatawan ang pagtulog sa maiksing oras.

May posiblidad din umano na dapuan ng sakit kapag bumaba ang antas ng HDL.

Ito ay dahil nakatutulong umano  ang HDL cholesterol upang alisin ang mapanganib na taba mula sa sirkulasyon.

Ibig sabihin, pinoprotektahan ng HDL cholesterol ang katawan laban sa  uri ng sakit partikular ang ssakit sa puso.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *