Magandang suplay ng oil products sa international market, dahilan ng pagbaba ng presyo ng langis sa bansa
Maganda ang suplay sa international market kaya sunud-sunod ang naging pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Energy Assistant Director on Oil Management Bureau Rodela Romero, ito ang epekto sa bansa ng pagiging highly dependent sa mga imported fuel.
Paliwanag ni Romero, nagre-reflect lamang sa bansa kung ano ang nagiging development ng pandaigdigang pamilihan.
Gayunman, hindi pa rin inaalis ng DOE na muling tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa mga darating na panahon dahil maraming factors ang nakaka-apekto sa presyuhan gaya ng fundamentals of supply and demand.
Isa aniya sa mga spekulasyon ng muling pagtaas ng presyo ng langis ay ang pagkakaroon ng meeting ng OPEC at non-opec partners sa susunod na buwan at posibleng magkaroon dito ng production cut.