Nilagdaang MOU sa pagitan ng Pilipinas at ng China na may kinalaman sa Imprastraktura inilabas ng Malakanyang
Muling naglabas ang Malakanyang ng mga dokumento hinggil sa ilang mga Memorandum of Understanding na nilagdaan kamakailan ng Pilipinas at ng China.
Isa dito ay may kinalaman sa usapin ng imprastraktura na pakikinabangan ng pamahalaang Pilipinas sa gitna na rin ng pag-usad sa kasalukuyan ng build, build, build project ng Duterte Administration.
Sa ilalim ng MOU cooperation infrastructure program na pinirmahan ng dalawang bansa, nagpahayag ang China na ibahagi nito ang malawak na karanasan hinggil sa highway construction, operation and management kagaya ng kaalaman nito sa modern railway construction, bridge construction at iba pa.
Sa harap na rin ito ng napakaraming proyektong nakalinya sa ilalim ng build, build, build ng administrasyon katulad na ng pagsasa-ayos ng PNR South Haul Project, Subic Clark at Mindanao railway project.
Sa ilalim naman ng bridge cooperation na nakasaad sa MOU, nagkasundo ang Pilipinas at China na magtulungan at magkaruon ng partisipasyon sa pagtatayo ng limang mga tulay na mag-uugnay sa ibat-ibang mga lugar gaya ng Pasig-Marikina River at manggahan Floodway, North-South Harbor bridge, Palanca- Villegas bridge, Blumentrit – Antipolo bridge.