Pagtatanggal ng Filipino bilang subject sa Kolehiyo posibleng matalakay sa susunod na cabinet meeting ayon sa Malacañang

Posibleng mabuksan susunod na cabinet meeting ang usapin hinggil pplanong pagtatanggal sa Filipino bilang subject sa kolehiyo.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa harap ng nakabinbin pa ring desisyon kung tatanggalin na ba ang Filipino sa college curriculum.

Ayon kay Panelo, hindi malayong maidulog ng CHED ang isyu sa susunod na pagpupulong ng mga miyembro ng gabinete at mula duo’y magkaruon ng posisyon ang Malakanyang kaugnay ng nasabing usapin.

Mismong ang CHED umano ang nagsulong na alisin na sa listahan ng mga subject ang Filipino dahil sa aniya’y duplication na ng mga asignatura dahil ito’y naituro na sa elementarya at highschool.

Giit naman ng mga sektor ng mga educators hindi repeated lesson kundi continuation at pagpapalawak ang subject na Filipino sa Kolehiyo kaya’t hindi ito dapat tanggalin sa mga nasa tertiary level.

“I have not heard the President saying anything about it. We will be having a Cabinet meeting.
I think the CHED Head will be raising that and perhaps that will be a basis for discussion of the Cabinet.”

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *