PNP Chief Oscar Albayalde, bumisita sa burol ni Police Senior Inspector Manuel Taytayon na ginawaran ng medalya ng kagalingan.
Personal na binisita ni PNP Chief Oscar Albayalde at NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar ang burol ni Police Senior Inspector Manuel Taytayon na hepe ng intelegence section ng Pasay Police.
Namatay si Taytayon sa gitna ng operasyon noong linggo laban sa puganteng si Mark Delemios na suspek sa pagpatay sa grab driver na si Gerardo Maquidato noong nakaraang taon.
Ginawaran si Taytayon ng medalya ng kagalingan at nakatakda irekomenda para tumanggap ng phostomous promotion.
“Una we want to assure the family na yung aming supporta, una yung pagdududa ng kanyang pamilya and of course inextend lang natin yung condolences sa kanila. Nakikiramay yung buong pwersa ng pambansang pulisya sa kanila and nakausap din natin sila. We assured them there will be an investigation kung ano talaga ang nangyari sa operation na iyon at ito nga ikinamatay ni Senior Inspector Taytayon
Duda kasi ang pamilya ni Taytayon lalo na ang ama nito na isang ring pulis sa pagkamatay ng anak.
Sa likod kasi tumama ang ilan sa mga bala na nakapatay sa opisyal na minsan na raw nagkwento ukol sa mga kasamahan na pinagdududahan nyang sangkot sa illegal na droga
“Yan ang sinasabi nya. Kung ikaw ang naunahan ang instinct mo is to seek cover. Usually dyan is tumatalikod ka seeking cover so ang sinasabi ng crime lab is yung 2 nakuha from the back are those 2 bullets na nagmamatch doon sa nakuhadoon sa baril ng suspect. So yun ang 2 fatal kasi. Ang entry is salikod so ang lumalabas yung 2 bullet na yun na narecover ay nanggaling sa baril ng suspect.”
Pero may dalawang slug na pa na naiwan sa katawan ni Taytayon na kailangan pa ring suriin
Hindi pa rin kasi inaalis ng PNP ang posibilidad na ilan sa mga kasamahan ni Taytaton ay nakabaril sa kanya.
Ayon kay Albayalde sumasailalim na rin sa balistic examination ang baril ng mga nakasama nya sa operasyon.
“Well that has to be deeply investigated kung meron talagang mga ganyang allegations. Masama yun kung ang kasama mo e malalim pala. Hindi pwede yun. I think that has to be investigated, kung talagang involved yung pulis na yun he needs to be dismissed from the service and charged. Hindi pwedeng kasama yung mga ganyan especially during police operations. Napakadelikado nyan”
Ininspeksyon din ni Albayalde ang bahay kung saan sinasabing nakaengkwentro ng grupo ni Taytayon ang suspek na si Delemios.
Ulat ni Mar Gabriel