Mga taong mahilig sa musika, mababa ang panganib sa pagkakaroon ng karamdaman – ayon sa eksperto
Sa panahong ito, ibang-iba na ang mapapakinggang musika.
Bata man o matanda, kinahihiligan ang pakikinig ng musika.
Sa isang liriko ng kanta, sinasabing people who believe in music, are the happiest people i’ve ever seen.
Iba para sa bata, sa mga teenager, at meron din naman para sa mga matatanda.
Ayon sa mga eksperto, wala namang pinipiling oras ang pakikinig ng musika .
Sa mga pag aaral, napatunayan na ang pakikinig ng musika ay may malaking maitutulong sa aspetong pangkalusugan.
Unang-una na rito ay ang pakiramdam na masaya.
Nakapagpapasaya at nakapagpapangiti ang pakikinig ng musika.
Napatunayan sa pag-aaral na naglalabas ng dopamine ang katawan na nagbibigay ng pakiramdam na masaya.
Ang Dopamine ay isang uri ng neuro-transmitter na sanhi upang tumaas ang antas ng nadaramang kaligayan.
Mainam din ang musika sa mga taong hirap makatulog o may insomnia.
Batay sa pag aaral, ang pakikinig umano ng classical o relaxing na music ay nakapagpapa-kalma ng pakiramdam, at nakapagpapa-antok kaya naman, tiyak na makakatulog kapag ito ang musikang napakinggan.
Bukod sa mga nabanggit, nakababawas ng nararamdamang sakit ang pakikinig ng musika.
Ayon na rin sa mga duktor na gumagamot sa mga pasyenteng dumaranas ng kirot o pain sanhi ng kanilang karamdaman.
Ulat ni Belle Surara
mas kakaunti umano ang nararamdamang kirot ng isang pasyenteng inoperahan na nakikinig ng musika kaysa sa mga pasyenteng walang hilig sa music.
kaya naman, kahiligan natin ang pakikinig ng musika upang saya ay ating madama na magdudulot ng kalusugan ng ating katawan…