PAO, pinuri ang pagkakatalaga kay bagong Chief Justice Lucas Bersamin

Ikinatuwa ng Public Attorneys Office (PAO) ang pagkakapili kay Justice Lucas Bersamin bilang bagong Punong Mahistrado.

Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, si Bersamin ang maituturing na talagang pinakasenior sa mga mahistrado ng Korte Suprema dahil sa mahigit tatlong dekada na itong nasa hudikatura kung saan nagsimula ito bilang RTC judge noong 1986.

Ilan sa isinulat ni Bersamin ay ang desisyon ng Korte Suprema noong Hulyo 2014 na nagdideklarang labag sa Saligang Batas ang Disbursement Acceleration Program ng Pamahalaang Aquino.

Siya rin ang ponente ng ruling ng Supreme Court na nagpapatibay sa kapangyarihan ni dating Pangulong Gloria Arroyo na magtalaga ng susunod na Chief Justice sa kabila ng 60-day constitutional ban sa midnight appointments bago ang Presidential elections.

Bumoto naman si Bersamin pabor sa pamamahagi ng Hacienda Luisita sa mga magsasakang benepisyaryo at ideklarang labag sa Konstitusyon ang Priority Development Assistance Fund.

Kabilang din si Bersamin sa mga bumoto pabor sa legalidad ng deklarasyon ni Pangulong Duterte ng Martial Law sa Mindanao at ang isanf taong extension nito.

Isa rin sya sa bumoto sa pagpapatibay sa pagaresto kay Senador Leila de Lima kaugnay sa drug trading sa Bilibid.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *