DOJ, tinutulan ang mosyon ni Senador Antonio Trillanes sa Makati RTC na makabiyahe abroad
Tinutulan ng Department of Justice (DOJ) na bumiyahe sa ibang bansa si Senador Antonio Trillanes IV.
Sa inihaing komento ng DOJ sa Makati RTC Branch 150 , iginiit ng DOJ Panel of Prosecutors na nananatiling flight risk ang Senador.
Katwiran pa ng DOJ na may iba pang kasong kinakaharap si Trillanes sa iba pang mga hukuman at lungsod bukod sa kasong rebelyon sa sala ni Judge Elmo Alameda.
Samantala, submitted for resolution na ang mosyon ni Trillanes dahil nakapagsumite na ng komento ang DOJ.
Ibig sabihin anomang oras mula ngayon o sa mga susunod na araw ay pagpapasyahan na ni Judge Alameda kung pagbibigyan ang hiling ni Trillanes na bumiyahe sa Europa sa December 11 hanggang January 11, 2019 at sa Amerika sa January 27, 2019 hanggang February 10, 2019.
Ulat ni Moira Encina