Bagong Chief Justice Lucas Bersamin, dumalo sa kauna-unahang niyang flag raising ceremony sa Korte Suprema

Dumalo sa kauna- unahan niyang flag raising ceremony si bagong Chief Justice Lucas Bersamin.

Si Bersamin ang ika-25 Punong Mahistrado ng Supreme Court.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Bersamin na kung sinoman ang maging punong mahistrado ay dapat na irespeto ang Tanggapan ng Chief Justice at ang buong sambayanan.

Nagpasalamat naman si Bersamin sa mga kapwa niya justice sa pag-welcome sa kanya bilang bagong Punong Mahistrado.

Walong incumbent na mahistrado ng Korte Suprema ang present sa seremonya at maging sina Court Administrator Jose Midas Marquez at Retired SC Justice Rodolfo Azcuna.

Habang hindi naman sumipot sa flag raising ceremony si Senior Associate Justice Antonio Carpio at bagong Associate Justice Rosmari Carandang.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *