Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos, hindi na kailangang humarap sa Sandiganbayan para magpiyansa
Hindi na kailangan personal na magtungo ni dating Unang Ginang at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos sa Sandiganbayan para maglagak ng piyansa.
Ayon sa anti-graft court, maaaring magpadala na lang ng kinatawan ni Ginang Marcos para ilagak ang 300,000 pisong piyansa nito.
Ito ay para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig pa ang kanyang apela sa hatol na guilty sa kanya ng Korte.
Ssa kautusan ng 5th division ng anti-graft court, kinatigan nito ang Motion for Leave to Avail Post Conviction Remedies na inihain ng kampo ni Marcos gayundin ang pagpayag na makapagpiyansa ito.
Ulat ni Madz Moratillo
Please follow and like us: