Makabagong pamamaraan ng pagbabalita ng Siyensiya at Teknolohiya, itinuro sa isinagawang Media Training workshop ng DOST Science and Information Institute

“Simplifying Science” ito ang tema ng isinagawang media training workshop na inorganisa ng Department of Science and Technology o DOST-Science and Information Institute, katuwang ang National Press Club o NPC.

Dalawang araw na isinagawa  ang nabanggit na workshop na dinaluhan ng mga piling mamamahayag  mula sa print, online, TV  at radio.

Sa mensahe ni DOST Sec. Fortunato dela Peña, hinikayat niya ang mga participants na kung magsusulat ng balita tungkol sa agham at  teknolohiya,  mainam na ito ay lagyan ng “human interest”…mas nanaising basahin umano  ng publiko kapag may  human interest ang   balita at nakaka-relate sila.

Samantala,  kabilang sa mga itinuro ay nauukol sa  tamang paraan ng  paggamit ng cell phone at social media  sites tulad ng Facebook, at online news websites.

Ibinahagi  ni mr. Eduardo Riparip,  social media producer ng isang kilalang network sa telebisyon kung paano makikilala ang balita kung ito ay isang facts  o isang fake.

Sa panig naman ni Mr. Mikael Angelo S. Francisco, founder  ng flipscience.com,  itinuro niya  kung ano ang mga dapat na  nilalaman ng  isang science news.

Kabilang dito ang  significance, clarity, interactivity, exactitude, novelty, credibility, at empathy na kung  mapapansin ay  acronym ng salitang science.

Sa ikalawang araw ng training workshop,  panauhing tagapagsalita si  Dr. Custer Deocaris, host ng  programang Pinoy Scientist ng Radyo Agila at 1st place sa  kauna-unahang 2018 Bantog, The science for the people media awards na inilunsad ng  DOST-STII, para sa kategoryang  outstanding S&T Journalist award, radio category.

Binigyang diin ni Dr. Custer  kung ano talaga ang science.

Dr. Custer Deocaris:

Ang science kasi ay hindi lang tungkol sa mga galaxies, hindi  lang yan tungkol sa  analysis, hindi yan tungkol sa mga equations ng math… ito ay tungkol sa mga imahinasyon ng isang tao…curiosity ng isang tao…tungkol ito sa aspirations ng isang tao…tungkol ito sa isang dream, so  science is essentially…..is an ordinary thing…it’s an ordinary human endeavor…hindi siya talagang specialized field..it’s all about imagination…it’s all about curiosity…..Science is the search of truth.” 

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *