Mga Senador umalma sa desisyon ni Pangulong Duterte na ituloy ang dagdag na 2 pisong excise tax sa mga produktong petrolyo

 

Umalma ang mga Senador sa desisyon ng Gobyerno na ituloy ang pagpataw ng 2 pisong excise tax sa mga produktong petrolyo pagpasok ng Enero ng susunod na taon.

Babala ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto, kapag itinaas ng gobyerno ang tax sa langis, tiyak na tataas na naman ang presyo ng pangunahing bilihin.

Katunayan sinabi ni Recto na kahit siyam na beses nang bumaba na ang presyo ng gasolina, nananatili pa rin sa 6 percent ang inflation.

Kinukuwestyon naman ni Senador Risa Hontiveros ang mga Economic Managers ng Palasyo kung bakit kailangang ipatupad pa ang excise tax gayong sapat ang nakokolektang VAT katunayang tumaas ang projected revenue ngayong 2018.

Sen. Hontiveros:
“During the october 24 hearing of the Senate committee on Economic affairs, the Department of Finance admitted that the excess in VAT revenues is indeed substantial. Why then collect more indirect Tax revenues via the petroleum industry? Bakit ipapataw pa ang fuel excise tax kung sapat naman o sobra pa nga ang VAT revenues”?

Sa pagdinig aniya sa Senado, una nang inamin ng mga opisyal ng Department of Finance (DOF) at Department of Budget and Management (DBM) na aabot pa sa 10 billion ang inaasahang VATcollection sa 2019.

Pero ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on Ways and Means, kung hindi na talaga iuurong ng gobyerno ang kanilang plano, dapat pagtuunan ng pansin ang mahigit dalawang milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pasada Program.

Sen. Angara:
“Sapagkat ito ay kasama at kaakibat na pangako ng pamahalaan nung tinaas ang buwis at kinilala na, marami sa ating kababayan ay mangangailangan ng tulong”.

Kung nabibigyan daw sila ng tulong hindi na nila kakailanganing magtaas ng singil sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Paalala ni Angara, kasama ito sa pangako ng gobyerno nang isulong at paaprubahan sa Kongreso ang TRAIN law.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *